Natapos na ang “Our Beloved Summer.” Panoorin ang review nina Myla at Hannah, kasama ang ka-Hallyu nating si Lance Toring, sa “Usapang Hallyu.”

Bida sa coming-of-age K-drama series na ito sina Choi Woo-shik bilang Choi Ung at Kim Da-mi bilang Kook Yeon-soo. Dati silang magjowa na nagkitang muli limang taon matapos silang maghiwalay. Aabangan kung magkakaroon ba ng second chance ang kanilang relasyon.

Second lead naman sina Kim Sung-cheol bilang Kim Ji-ung at Roh Jeong-eui bilang NJ.

Sa episode na ito ng “Usapang Hallyu” tungkol sa “Our Beloved Summer” finale, ibinabahagi nina Myla, Hannah, at Lance ang mga paborito nilang character at eksena, pati na rin ang life lessons na napulot nila sa kuwento. Malalaman din natin kung irerekomenda ba nila ang dramang ito.

Mapapanood ang “Our Beloved Summer” sa Netflix.

Leave a comment

Leave a Reply Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.